I told myself to dwell on something positive for today and I really did my best to start my morning with a smile. Unfortunately, due to unforeseen circumstances over which I have no control of my inner workings (hehehehe…), things were not cut up to be my happy day.
Ok…balik tanaw muna.. Oo, umaasa akong walang magbabago kasi nangako ka…pero napag-isip-isip ko, “Pwede ba un?” Sasabihin kong mahal na kita tapos walang magbabago? Siguro sa labas, batian pa rin ganoon ung pakikisama pero hindi ba, deep inside, iba ung iisipin natin sa isa’t isa? Tipong kaya pala ayaw nia at ng mga friends nia sa nililigawan ko dahil may gusto pala siya. If ever that thought never crossed your mind, please don’t dwell on it now, because, I assure you that wasn’t the reason. Pinaliwanag naman namin sau diba? Pakiramdam ko rin, kung hindi ikaw yung iiwas, malamang ako. Wala na akong mukhang ihaharap sau.. Mahihirapan na akong tingnan ka nang diretso dahil kadalasan maaalala ko ang araw na sinabi kong mahal kita at akala mo sinasabi kong mahal ka na “niya”. Okay lang talaga… Tanga lang ako pagdating sa pag-ibig pero hindi ako nag-iilusyon noon pa man na masusuklian mo ang nararamdaman ko. Sapat na sa akin ung mabait ka dahil magkaibigan tayo at nandiyan ka sa pagkakataong pakiramdam ko I’m nothing but a failure. Uulitin ko lang po, without the “law of falling bodies” metaphor: Nahulog ako sa iyo at mahal na kita. Hindi ko plinano, hindi ko ginusto, hindi ko alam kung kailan, kung saan o kung papaano, basta alam ko, un na un.
Ok na! Awat na… Pag-usapan nio namang lahat kung kailan nio ibagbagsak ang langit at lupa sa akin. Kung kailan nio ipapapasan sa akin ang buong daigdig. Kasi kung balak nio akong patayin sa dami ng binibigay niong trabaho sa akin, pwede bang isang bagsakan na lang? Huwag nio naman akong inuunti-unti kasi mas masakit, mas nahihirapan ang loob ko, mas gumugulo ang buhay ko. Kung ito ang paraan niyo para ipaalam sa akin na kulang pa ako, and that I’ll never be enough for you to love and accept, I get your message loud and clear. Tatandaan nio lang na sa oras na kailangan nio ako, nand2 pa rin ako, mahal na mahal kau… Kaya nga halos hindi na ako kumain at matulog eh… para naman mabigay ko sa inyong lahat kung anong ineexpect nio sa akin – dahil mahal ko kau. Ayaw kong nadidisappoint ko kau.
Pero please naman, hayaan nio akong magtira ng kahit konti sa sarili ko. Tulungan nio naman akong mahalin ko ang sarili ko. Huwag nio masyadong ipamukha na kulang pa ang buong ako dahil hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
Wala naman ako sigurong malaking kasalanan kung hindi ang mahalin “ikaw”, “ikaw” at kau nang sobra-sobra. Ang hangarin na maappreciate nio ang mga naibibigay ko o nagagawa para sa inyo, kahit di nio na masuklian, ok lang.
To someone very close and very special, I hope we can patch things up. I miss you. I really do. I’ve felt so lost without you. I want you back. Malaking parte ka ng puso’t buhay ko, hindi ka na mawawala o mapapalitan diyan.
God, please teach me what I have to learn but please spare me from this pain. Please send me my angel to change my fate. I don’t want to fight the hell within me anymore. I will never win. Ako lang ang masasaktan.
P.S.
Gitte, I appreciate everything you’ve told me. I love you… thanks for making me feel strong during my vulnerable moments.
Kuya Bry, don’t worry about me. Ok lang talaga ako, walang nagbago sa buhay ko. Aanga-anga pa rin ang puso ko at hindi pa ako nasanay masaktan. Thanks for everything.