dalangin ko’y akap mo…
Friday, December 9th, 2005god, padalhan nio po ako ng angels nio pls… parang awa nio na po.. ipaakap nio po ako sa mga angels nio… kung hindi po’y pansamantalang ngitian man lang po.. pakihaplos po ng aking puso nang matuto po akong maging matatag pero hindi manhid… na matuto po akong tumanggap ngunit hindi mag-isip ng masama… turuan nio po akong magpatawad at magparaya… turuan nio po sana akong magmahal muli.sa panahon pong ito na wala akong matakbuhan, walang nakakaintindi sa akin, waAg nio po sana akong pababayaan. kahit bad po ako, mamahalin nio rin naman po ako diba? kahit bad po ako, kahit papaano tutulungan nio pa rin po ako diba? sana po oo ang sagot nio… kung hindi, sana po hayaan nio po akong kayanin ang lahat ng ito para hindi ako higit na magkasala sa inyong mga batas. maaawa na po kayo. kahit isang akap lang po…
