BUHAY UP DILIMAN
Wednesday, June 28th, 2006hi friendsters! it’s been quite awhile since i checked my friendster account. College has definitely kept me busy! Whoo! So, how is life as a college student, particularly in UP Diliman. For those still enjoying the comforts of
Saudi Arabia , ENJOY IT WHILE IT LASTS! Here, life is a constant struggle! (di un exagg ha!)
So, the basics…
Ako’y isang mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Magtatatlong linggo pa lamang ng pasukan ngunit pakiramdam ko ay tatlong taon na ang lumilipas, at may tatlong taong nadagdag sa aking gulang kung pisikal na kaanyuan ang pag-uusapan! Dito, marami akong natutunan. Una na doon ang WALANG PAKIALAMANAN! Oo, may blockmates ka, blockhandlers and friends pero hindi mo sila maaasahan sa lahat (hindi katulad sa classmates natin sa saudi). Kanya-kanyang sikap dito. Kanya-kanyang gawa! WALANG KOPYAHAN!
2- Dito, hindi uso ang sosyalan. Ang karaniwang suot ng tao rito ay pantalon, t-shirt/blouse at tsinelas o rubber shoes. WALANG NAGMAMAKE-UP DITO! Kung meron man, bihirang-bihira.
3- Hindi yun dahil sa hindi nila afford. Marami na ring may kaya sa UP. Kaya lang, sa LAYO ng NILALAKAD ng isang mag-aaral dito, hindi na porma ang pag tsinelas. NECESSITY na siya kung maituturing. Opo, may dyip ditong IKOT at TOKI ngunit sa tagal na iikutin pa niyan ang hundred hectares or so… MAGLAKAD KA NA LANG!
4- hindi kasi excuse dito ang "malayo po kasi ang building na pinanggalingan ko" promise, maamong-maamo na si ma’am gigi kung ikukumpara sa mga gurong nakilala ko rito.
5- sa mga magagaling, HUWAG NA HUWAG niyong babalewalain o tutulugan ang lecture ni Ma’am Elidia sa math dahil yun yung panangga mo dito! Nung nandyan ako, pakiramdam ko ang dali dali ng algebra at trigo. Kayang-kaya tulugan at magseatwork na lang. Dito, ang kinukuha diyan ng isang linggo, isang araw lang lesson sa amin. Ang kalaban, mga galing Philippine
Science High School na minamani-mani lang ang Math 17.
6- Ang mga may panahon pang magfriendster diyan, naku po! Dito, kulang pa ang vacant time namin sa kain, aral at tulog!
7- At kung sinasabihan tayo diyan dati na read and try to solve eh binabale-wala lang natin kasi for sure ituturo naman kinabukasan, dito, PINAPALABAS SA KLASE AT minamark na ABSENT ang hindi nakapagbasa. Take note: Bundok bundok na babasahin ang binibigay. Sa isang subject, suwerte na ang 3 lang ang reading materials or references.
Sa totoo lang, madaling araw na dito. Pagod na ako. Masakit na ulo ko. Pero 6 chapters to go pa ako sa World Literature tapos 2 reading materials to go pa ako sa social science. Hindi ko pa tapos ang factoring sets ko sa math 17 at maraming papers akong due sa week na ito.
Totoo.. MASAYA dito!!! MARAMING FREE CONCERTS nina bamboo, barbie, sandwich, atbp. karamihan kasi sa kanila, UP graduate… Pero kung long exam mo bukas, aattend ka pa ba?
Masaya ang makatapak sa mundong hindi ka na sinisigawan ng ina mo na kumilos at mag-aral ngunit
gaya ng sabi ng dekano namin at ng land lady, "Ang pribilehiyo ay may kaangkop na responsibilidad at ang responsibilidad ay katapat ng malasakit sa bayan."
Tunay ngang maligaya ang pumasa sa UPCAT ngunit ang kalbaryo ko hanggang makatapos ay nagsisimula pa lamang. Masarap marinig ang mga katagang, "Iskolar ng Bayan", "UP Passer", "Wow! Ang galing mo. Nasa UP ka". Ganoon man, marami ang hindi nakakabatid na may KaDILIMAN ang buhay dito sa UP Diliman.
Marahil ay hindi niyo ako maintindihan. Ganyan din ako dati nang ako’y kwinekwentuhan pa lang. Ngunit ngayon, napagtanto ko na ang pahirap at sakripisyong inilaan sa UPCAT ay wala pa sa kalingkingan ng hirap na raranasin dito sa unibersidad.
Ganoon man, maligaya ako dito. Mahirap man, fulfilling naman. Kakaiba man sa aking nakasanayan, marami naman akong natutunan. Kung
sana .. pinag-ukulan ko pa ng pansin ang mga dating itinuturo sa IPSA,
sana , baka lang… mas madali ang buhay ko dito sa UP Diliman.
Good Morning!!!
… =’( more readings to go…